Papa Jack



Call TLC/Wild Confession (Metro Manila callers only):
832-6171

Free NDD calls to TLC/Wild Confession (outside Metro Manila callers only):
1-800-10-100-LOVE (1-800-10-100-5683)

TO SEND A TEXT MESSAGE:
LOVERADIO [space] TLC [space] MESSAGE [space] NAME/AGE/LOCATION and send to 2600

Tunay na pangalan: John S. Gemperle

Ano ang kiliti mo?

- Ewan ko ba, yung kiliti ko seasonal, depende yan sa taong sumusondot sa akin, pag type ko, tawa ako ng tawa kahit di pa dumadapo, pero pag di ko trip, nanununtok ako!!! Haha! Joke!

Pinakapawising parte ng katawan?

- Utak ko! Isip kasi ako ng isip eh! Yan ang libangan ko!

Pinaka-ayaw na parte ng katawan at bakit?

- Utak ko! Minsan masyadong malisyoso! Joke! Yung paa ko. Parang laging galing pagsasaka.

Pook at petsa ng kapaganakan.

- Sabi ng nanay ko sa Pasig daw pero sa birth certificate ko, Taytay ang nakalagay. Ewan ko ba! San ba yun? hehe

Kursong tinapos.

- Broadcast Communication sa PUP at ehem…. prof din ako dun!

Pinasikat na Expression.

- MY GOD! MY GOD NA NAMAN, KULANTRO, TUTOT, ESCABECHE, SHARSHADO, TARUSH at iisip pa ako marami. Hehe

Unforgettable experience with a listener.

- Wala naman po gano kasi may amnesia ako… hehehe… nakakalimutan ko agad. Kulang po ako sa sustansya.

Kung hindi ka DJ, ano ka?

- Bakal boy sa sta.mesa. o di kaya tuluyan na akong naging mamasang.

Kung presidente ka, anong unang batas mo? Bakit?

- Gagawan ko ng mga sariling CR ang mga bading at mga Tibo para hindi nagkakahulaan sa mga public toilet. Hehe.

Gustong baguhin sa katawan at bakit?

- yung kwan ko, yung tutot ko masyado cute eh… hehe. Yung tonsil ko. haha

Kung magmo-model ka ng parte ng katawan, ano ito at bakit?

- Baga ko, kung kaya nilang kuhanan ng picture. Maiba naman! hehe

Kung artista ka,sino ang gusto mong kalove-team? Bakit?

- Aba sila tanong niyo kung ok sa kanila na maka-love team ang isang may sapak pero cute na kagaya ko… pero kung pipilitin niyo ako pwede na siguro si Jessica Alba.

Pinakanakakahiyang experience sa banyo?

- Di ako nagbabanyo eh, sa sagingan lang ako! Maka-kalikasan to! Ibahin!

Unforgettable date.

- Dyan ako umiiwas, hehe. Gastos lang yan!

Sinong gusto mong makasama pag na-trap ka sa island? Bakit?

- Si optimus prime… para astig! Bibilangin ko kung ilan screw meron sya at tatanong ko sya kung may kembilar ba sa planeta nila.

Kung gagawa ka ng isang krimen na hindi ka mahuhuli, ano ito? Bakit?

- Lalagay ko mukha ko sa pera natin, yung pang friendster ang dating!

Kapag nasunog ang bahay niyo, ano ang una mong itatakbo? Bakit?

- Yung kama, ref, sofa, lamesa, tukador, plantsa, bintilador, aircon, buong damitan, carpet, gasul pati kalan, mga kaldera, plato at mga utensils at lahat ng laman ng bahay. Hehehe, nagtanong ka eh!

Kung makakatagpo ka ng genie, ano ang tatlong wishes mo?

- Permanenteng ABS sa tyan
- Mawala lahat ng peklat ko sa katawan at malipat sa mga bad guys.
- Kotse na nagiging robot, parang bumble bee.

Mensahe para sa mga tagapakinig:

- THANK YOU ALL SO VERY MUCH!

Email: papajack@loveradio.com.ph

Kabisyo Jocks

Chris Tsuper
Nicole Hyala
Kristine Dera
Diego Bandido
Robin Sienna
Papa Jack

GIRL OF THE MONTH

TOP 10

Just Give Me A Reason
P!nk  | Play | Lyrics
One Thing
One Direction  | Play | Lyrics
Blurred Lines
Robin Thicke  | Play | Lyrics
Titanium
David Guetta  | Play | Lyrics
Bespren
Yeng Constantino  | Play | Lyrics
Bumalik Ka Na Sa'kin
Silent Sanctuary  | Play | Lyrics
Kung Sakali Man
Michael Pangilinan  | Play | Lyrics
Roar
Katy Perry  | Play | Lyrics
Wrecking Ball
Miley Cyrus  | Play | Lyrics
Magkabilang Mundo
Jireh Lim  | Play | Lyrics

POLL

  • Site Counter


    2,945
    Visitors
    Visitors
    Powered By Google Analytics