Alessandra de Rossi receives an award in her hometown in Italy; takes a fall in fight scene with Lovi Poe on Legacy





Jan 13, 2012  |  Friday  |  11:25:17 AM


Sa Italy nag-Pasko at Bagong Taon si Alessandra de Rossi.

Kuwento niya, "Masaya! Three weeks ako dun. Tumanggap ako ng award dun.

"Meron silang ibinigay sa akin na award na parang mga...na taga-probinsiya naming nagbigay ng karangalan all over the world, yung mga ganun lang.

"Kumbaga, parang region namin... Kumbaga sa Bisaya, one of the Visayans ako na nabigyan ng award.

"Puglia, iyon yung region namin.

"Ang award ko, parang taga-Puglia of the World, parang ganun."

Ang ama ni Alex (palayaw ng aktres) ay Italian, si Luigi Schiavone. Pinay naman ang ina niya na si Nenita Tiotangco.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa presscon ng bagong primetime series ng GMA-7 na Legacy noong January 11 sa Studio 7 ng GMA Network Complex.

Parang achievement award ba iyon?

"Oo, parang ganun nga, oo.

"So, mga kasama ko mga doktor na taga-Washington, ganyan; ako, mga player ng soccer...

"So, sila ang nagbayad ng tiket ko. Kasi kung hindi nila binayaran yun, wala naman akong pampunta dun, 'no!

"Wala nga akong panghanda nung Pasko, 'no, pancit canton lang!" natatawang biro ni Alex.

Marunong pa rin ba siyang mag-Italian?

"Oo naman, pag nandun, bigyan mo ako ng mga three days, nare-refresh na."

Ano naman ang sinabi niya sa kanyang acceptance speech?

"Sabi ko, kasi ang haba ng sinabi nung Italiano, tapos sabi ko, 'Si!'

"Tapos tumawa lang sila. Tapos sabi ko, 'Sorry nakalimutan kong mag-Italiano but...'

"Parang, 'It's an honor to be here and it's good to know that you remembered, though you forgot you're Italian.'

"Tapos, tumawa lang sila nang tumawa, yung ganun.

"So, nakakatuwa lang."

May na-miss ba siya sa Pilipinas habang nandun siya sa Italy?

"Wala. Honestly, ayoko na ngang umuwi, e!" natatawa niyang sabi.

Bakit?

"Masaya ako! Sobrang saya ko.

"As in wala, e, siyempre minsan lang namang mangyari yun.

"Yung kapatid ko nga, twenty-two na siya, tapos alam mo yun, binebeybi ko, sinusuklayan ko, ganyan.

"Tapos, alam mo yung sabi niya, 'Ano ba?'

"Sabi ko, 'Kasi feeling ko ten years old ka pa lang.'

"Kasi nine years old siya nung nahiwalay sa akin, tapos pag pinagsama mo yung times simula nung naghiwalay kami, baka wala pang isang taon iyon.

"So, parang feeling ko, ganun lang talaga yung edad niya.

"Si Margarita. Baby ko."

Ang isa pa nilang kapatid ay ang aktres na si Assunta de Rossi.

LEGACY. Kontrabida na naman ang ginagampanang papel ni Alex sa Legacy, na magsisimula na sa January 16, Lunes.

Gaano siya kasalbahe dito?

"Ako, hindi ko alam kasi kakalapag lang ng script, kaka-taping ko lang.

"Pero for the first time, hindi pag-ibig ang 'pinaglalaban ko—pera talaga.

"So, sabi ko, ang saya-saya naman, nabago yung role ko.

"This is a big change, e. Charot!" tawa niya.

Saan mas nagiging passionate ang pagganap niya: kapag pag-ibig o pera ang ipinaglalaban?

"Okay lang. Kahit ano naman, okay naman sa akin, e."

Bilang kontrabidang si Bernadette, sino ang aapihin niya sa Legacy?

"Kami...si Lovi [Poe] kasi yung, ano, lumalaban siya, so nagkakapikunan kami dun sa istorya.

"Si Heart [Evangelista] kasi, hindi lumalaban."

May eksena raw sila ni Lovi na nagsabunutan sila, at aksidenteng natumba sa sahig si Alessandra.

"Nahulog ako, as in plakda ako!" bulalas ni Alex.

"Naapakan ko yung gown ko, tapos yung hulog ko, talagang lumipad ako patalikod, yung ganun."

Wala raw sa script yun. Pero isasama kaya sa ieere ang eksenang iyon?

"Feeling ko...hindi ko alam kung papaano nila maisasama kasi pagkatapos kong mahulog, natawa ako.

"Kasi nakita ko, isa-isa yung mga ulo, sumusulpot, sinisilip nila ako na, 'Okay lang ba siya?'

"Sabi ko, pag sumugod si Lovi dito, hindi na ako makakatayo kasi masakit, e, kaya tumawa na lang ako."

May pasa nga sa braso si Alessandra habang kausap namin.

Biniro namin kay Alex, hindi kaya itinulak siya ni Lovi?

"Hindi! Pag talikod nga daw niya, sabi niya, 'Nasaan na si Alex?'" tawa na naman ng aktres.

STILL LOVELLES. Hanggang ngayon daw ay loveless pa rin si Alessandra. Pero bakit nga ba?

"I don't know nga, e," sagot niya.

Wala rin daw nanliligaw sa kanya.

"Kasi naman, bahay-taping lang ako forever, as in...at saka Twitter.

"Alangan namang sa Twitter ako makipagligawan, hindi gawain ng magandang babae yun, 'no!

"E, iyon, kung hindi naman ako makaka-meet ng ibang tao sa labas, sa taping, e, ayoko naman ng artista na.

"So, mukhang loveless na ako forever."

Bakit ayaw na niya ng artista?

"Kasi hindi nila matanggap na mas magaling ako sa kanila, nai-insecure sila.

"Hindi nila matanggap na mas malaki ang suweldo ko sa kanila.

"E ano ang magagawa ko, di ba, e, pinaghirapan ko naman yun, 'no!" sabi ni Alex, na hindi malinaw kung nagbibiro lang o seryoso.

E, di maghanap siya ng mahusay na aktor?

"E, mas malaki pa rin ang suweldo ko sa kanya. Hindi ba?" sagot naman ni Alex.

Hindi ba siya nalulungkot na ang tagal na niyang walang karelasyon?

"Hindi! Six years. Di ba?"

Paano kapag malamig ang gabi?

"Nagdadasal ako. And I'm happy," sagot niya.

Magkaibigan pa rin naman daw sila ng huli niyang naging boyfriend na si Jeremy Marquez.

"Oo naman."

Ano ang masasabi ni Alex na may lovelife na ulit ngayon si Jeremy?

"That's good for him.

"Kailangan niya ng lovelife, hindi niya kaya ng wala, hindi niya kayang mag-isa."

Si Alessandra, kaya niya?

"C'mon!" bulalas niya.

WORKING FOR TWO NETWORKS. Bago bumalik sa bakuran ng GMA-7 si Alex ay gumawa siya ng ilang proyekto sa ABS-CBN.

Ano ang malaking pagkakaiba na pagtrabaho sa GMA-7 at ABS-CBN?

"Malaki, pero hindi ko puwedeng sabihin yun, 'no!

"Hindi ko talaga puwedeng sabihin. Hindi ko talaga puwedeng sabihin."

Yung puwede niyang sabihin?

"Wala!" tawa ni Alex.

"Ang difference, yung sa personal ko na lang ha, yung sa personal ko, as in ako, ha?

"Siyempre mas kilala ako dito [sa GMA], mas bibigyan nila ako ng, alam mo yun, mas madaling makiusap dito.

"Kasi kilala nila ako, dito ako lumaki, alam nila yung pagkatao ko, ganun.

"Alam nilang pag may sinabi ako, joke lang yun, hindi nila puwedeng palakihin yun or damdamin, yung ganun.

"Mas kumportable siyempre dito.

"Pero kung yung professional na ano, hindi ako puwedeng mag-comment."

Ano ang pinagkakaabalahan niya bukod sa Legacy?

"May ginagawa akong mga indie films, pero hindi ko na muna sasabihin—dalawa."

NO COMMENT. Umiwas naman na si Alessandra nang matanong tungkol sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng dati niyang nakaalitan na si Rhian Ramos.

Aniya, "My God, there was a time, that time was a long, long time!

"Wala! Wala talaga akong comment.

"No comment.

"Isasama ninyo pa ba naman ako diyan?

"Tapos na nga yung isyu.

"Huwag na nating buhayin, kawawa naman."

NO MORE EXTRA RICE. May New Year's resolution si Alessandra.

"Ano nga ba yung sinabi ko? No more extra rice!

"Oo. I'm twenty-seven years old na, hindi naman ako nag-e-exercise, wala naman akong sport.

"So, kailangan ko na siyempreng... hindi ako magda-diet, pero no more extra rice."


More Entertainment News

GIRL OF THE MONTH

TOP 10

Just Give Me A Reason
P!nk  | Play | Lyrics
One Thing
One Direction  | Play | Lyrics
Blurred Lines
Robin Thicke  | Play | Lyrics
Titanium
David Guetta  | Play | Lyrics
Bespren
Yeng Constantino  | Play | Lyrics
Bumalik Ka Na Sa'kin
Silent Sanctuary  | Play | Lyrics
Kung Sakali Man
Michael Pangilinan  | Play | Lyrics
Roar
Katy Perry  | Play | Lyrics
Wrecking Ball
Miley Cyrus  | Play | Lyrics
Magkabilang Mundo
Jireh Lim  | Play | Lyrics

POLL

  • Site Counter


    2,945
    Visitors
    Visitors
    Powered By Google Analytics