PAPA-kape at pa-CHICO-late ni Papa Jack at Chico Loco dinumog
April 16, 2012 | Monday | 1:53 pm
Hindi lang programa sa radyo tuwing gabi ang handog ni Papa Jack ng 90.7 Love Radio at Chico Loco ng 101.1 Yes-FM dahil sagot na rin nila pati ang mainit na KAPE at TSOKOLATE para sa mga kabisyo at kapwa nating drivers.
Halos mapuno ang parking lot sa harap ng Manila Broadcasting Company noong March 21 dahil sa pag-dagsa ng mga drivers para sa libreng midnight snack, kape at mainit na tsokolate mula kina Papa Jack at Chico Loco.
Bumuhos din ang suporta ng iba pang Love Radio at Yes-FM DJs para pagsilbihan ang mga drivers nating kahit hatinggabi ay handang mag-bigay serbisyo sa mga pasaherong nangangailangan ng transportasyon.
Tumulong din sa pagtitimpla ng kape at tsokolate ang mga Love Radio jocks na sina Nicole Hyala, Chris Tsuper, Kristine Dera, Robin Sienna, Emma Harot, Diego Bandido kasama ang ilang Yes-FM jocks na sina Missy Hista, Rica Herra at Maria Maldita.
Maliban pa sa midnight snack, kape at tsokolate, namigay din ng mani si Nicole Hyala mula naman sa Peanut World.
