Ang cool, summer trip ni Emma Harot: mag-pakain ng mga penguins sa Manila Ocean Park
April 18, 2012 | Wednesday | 3:37 pm
Dahil naghahanap ng kakaiba at cool na adventure ngayong summer si Emma Harot, pinuntahan niya ang isa sa mga dinadayo ngayong attraction sa Maynila - ang Manila Ocean Park (MOP).
Sulit na sulit ang naging pagbisita ni Emma Harot sa MOP dahil personal siyang nag-pakain ng mga penguins, isang uri ng ibon na hindi nakakalipad at sa malalamig na lugar lamang natatagpuan tulad ng Antarctica.
"Masaya mag-pakain ng mga penguins. Nakakatuwa. Kakaiba, " sabi ni Emma Harot nang tanungin ng LOVERADIO.COM.PH si Emma Harot kung ano pakiramdam kapag nagpapakain ang mga penguins.
