Bagong taon, bagong excuse para makapamintas ng ugali ng mga tao. Charot! HAHAHA! Hindi naman sa gusto nating mamintas, pero naging trending na usapin online ang “12 Zodiac Signs” at ang traits nila. Maraming nagbigay ng opinyon tungkol sa 12 signs na ito. Sabi nila, “red flag” nga raw ang mga taong may zodiac sign na Gemini, Scorpio, at Virgo dahil sa katangian nilang taglay. Kahit biruan lang ito at wala namang scientific explanation, ikinatuwa ng mga Kabisyo natin ang pakikipagbardahan dahil sa zodiac signs na ito.
Kung curious ka sa zodiac sign ng paborito niyong Kabisyo DJ, narito na ang details nila! May kasama pa ‘yang parang slambook na tanungan kung ano nga bang best and worst trait nila. HAHA!
Tanya Chinita (Capricorn): Ang best trait ko ay pagiging mukhang pera. Ang worst trait naman ay pagiging anti-social. HAHAHA!
Angkol Dagol (Scorpio): Kung sinasabi niyo pong red flag ang Scorpio, kabaliktaran po ako ng lahat ng ‘yan. Ako ‘yung pinaglalaruan at niloloko. Huhu! 😩 Isa lang akong hamak na “F* Boy,” as in, Friendly Boy!
Robin Sienna (Virgo): Best trait ko? Perfectionist. Worst trait ko? Perfectionist pa rin! HAHAHA! OA ako sa pag-psychoanalyze at pag-judge ng iba. Kahit sarili ko nga, hindi excused. Grabe ko rin kasi i-judge sarili ko, kaya patas lang. Hahaha.
Conyo Bicolano (Scorpio): Best trait? Sabi nila, wala dahil walking red flag daw ako. Well, at least mga totoong tanggap lang ako ‘yung mag-s-stay sa’kin. Worst trait naman ‘yung gustong-gusto kong naghuhukay ng past, pero ako naman ‘yung unang tatamaan at iiyak 😄
Nicole Hyala (Sagittarius): Ang best trait ko, mahilig ako magplano ng gala, pero worst trait ko rin ‘yan kasi ang hirap matuloy ang plano ng tropa. Lagi kasi akong busy. Ako ang magyayaya, pero ‘pag may dates involved na, lagi ako hindi available as a feeling celebrity. Eme! Hahaha!
Mara Tonee (Libra): Best trait ko is maraming akong talent. Sa sobrang indecisive ko, lahat na pinasok! Eh, ‘di maganda rin ang pasok ng pera! Hahaha. Worst trait, sorry na agad, pero paasa raw ako. I was born very friendly talaga. Na-mi-misinterpret lang.
Raqi Terra (Scorpio): Best trait ko ay loyal ako at saka faithful. ‘Wag niyo ‘ko lokohin kasi kahit hindi ako gumaganti, mabilis naman ako mag-move on! Detective din ako kaya walang lihim na ‘di nabubunyag. Lastly, grabe ako magmahal kaya lagi akong hinahabol. Charot! Worst trait ko naman ay hindi na namamansin kapag na-betray.
Namumula lang naman ang Love Radio DJs dahil sila ay punong-puno ng love. Grabe kayo sa pagtawag ng red flag sa kanila, ha! HAHA! Pero gano’n pa man ang sinasabi ng inyong kapalaran tungkol sa zodiac signs, tandaan natin na ang mga star ay gabay lamang. Ikaw pa rin ang mag-de-decide kung magiging mabuting tao ka ba o hindi. Sabi nga nila, “Take what resonates and leave what doesn’t.” Gano'n! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? BASIC!