Nauuso ngayon ang term na ‘nonchalant’ sa Gen Zs at Gen Alpha. Uunahan na namin kayo, walang ganyan sa Love Radio DJs kaya para updated ang lahat, ang ‘nonchalant’ ay nag-de-describe sa mga taong nananatiling kalmado sa kahit anong sitwasyon. Chill lang sila kaya madalas silang mapagkamalang kiber. Hindi namin sinasabing si Chris Tsuper ’to, ah?!
Eh, sino kaya sa mga naggagandahang merlie ng Love Radio ang ‘nonchalant’ at sino naman ang ipinanganak na over acting? Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!
Kung tatanungin niyo si Robin Sienna, “Nonchalant when I don’t care, OA when I care. PAK!” ang atake niya. Kaya masuwerte ka kung papansin siya sa’yo, pero kung poker face lang siya, kabahan ka na!
@djrobinsienna It's 2024, anuna, crush? #crush #romance #love #signs #tips #hacks #djrobinsienna ♬ original sound - DJ Robin Sienna
Halos parehas ang sagot ng ating Basa Princess, pero hindi naman sila nagkopyahan. “Sinusubukan ko madalas maging nonchalant, pero parang may mga pagkakataon na sinusubok ung pagkatao ko kaya lumalabas ’yung pagiging OA ko. Hahaha! So, better OA na lang ’cause it means, may paki pa ako saka it means, bata pa ’ko kasi may enerhiya pa ’ko to dwell on things. Hahaha!” Bakit nagkakalabasan ng age card? May ipinapamukha ka ba sa kasunod mo, Raqi Terra? Charot with harot!
@raqiterra907
Hala! Sana tanggap niyo pa rin ako. 😂
♬ original sound - 50ShadesOfShayAlam naman na namin ang sagot, pero para lang malaman namin kung aware o in denial siya, tinanong pa rin naman si Nicole Hyala at ang sagot niya, “OA! Hyper kasi ako. Parang laging nakalaklak ng 10 gallon ng energy drink.” Trulalu at walang halong eklavu! Kaya nitong pagsabayin ang iyak at tawa kaya hindi na nakakapagtaka na dighay lang ang pahinga niya. Minsan nga, nagiging supporting character ang mga letter sender sa Kuwento ng Mahiwagang Burnay at siya ang main character. ’Sing babaw kasi ng kaligayahan niya ang luha niya. ’Chos!
Aminadong OA rin si Tanya Chinita, pero noon ’yon. Isa na raw siyang “Certified NC” ngayon! Ayon sa kanya, “Ginawa ko na dati ’yan, eh. ’Yung pala-react ako? ’Yung tinataas ko ’yung kamay ko, sasabihin ko ’yung side ko tapos dine-deadma naman nila ako kaya ayaw ko na lang kumibo. Mas masaya pa ’yung buhay ko kapag hindi ko pinoproblema ’yung problema nila.” Bakit mo naman kasi ginawang recitation, Mhie? Raise your hand if you want to answer? Dagdag pa niya, “Kahit naman mag-react ako, hindi naman nila susundin ’yung sinasabi ko. Sila rin ang nasusunod. So, ako na lang ang masusunod sa sarili kong life. Kaya, NC for the win!” Sa dami ng sinabi mo, NC ka pa n’yan, ah?!
Ngayong narinig na natin ang sagot ng mga eabab na ’to, sino, este, ano’ng mas gugustuhin niyong jowain? ’Yung ‘nonchalant’ o ’yung OA?
Hindi puwedeng kami lang ang may rito! Ikaw, Kabisyo, ano’ng opinyon mo?