Big winner ang atake ni Beyoncé sa katatapos lamang na 67th Grammy Awards. Sa kauna-unahang pagkakataon kasi, Kabisyo, ay nakuha na ng American singer ang Album of the Year award para sa kaniyang album na ‘Cowboy Carter.’ Naungusan sa botohan ni Queen Bey sina Charli XCX, Jacob Collier, Billie Eilish, Chappell Roan, Taylor Swift, André 300, at Sabrina Carpenter.
View this post on Instagram
“I just feel very full and very honored. It’s been many, many years,” ‘yan ang naging mensahe ng superstar sa nakuhang panalo. Pinasalamatan din niya ang mga bumubuo ng Grammys, pati ang lahat ng mga songwriter, collaborator, at producer sa kanilang mga effort sa nagwaging album.
View this post on Instagram
Nakuha rin ng singer ang Best Country Album para sa parehong album na ‘Cowboy Carter,’ at Best Country Duo/Group Performance kasama si Miley Cyrus para sa ‘II Most Wanted.’
Instant meme naman ang naging reaksyon ng singer sa pagkapanalo niya ng Best Country Album. Sakto pang si Taylor Swift ang nag-present ng award na ito. Matatandaang noong 2009, umakyat si Kanye sa stage habang nagbibigay si Taylor Swift ng kaniyang speech sa MTV Video Music Awards, at sinabing mas deserve ni Beyonce ang award na Best Female Video. Biro tuloy ng fans, buti na lang ay 'di umakyat si Kanye sa stage.
Pinangunahan ni Beyoncé ang Grammy nominations ng makakuha siya ng nominasyon sa 11 categories ngayon.