“Hi, DJ Raqi!
Itago mo na lang ako sa pangalang Iggy Boy. First time kong isinama ang bago kong girlfriend sa bahay namin. Pinakilala ko si Papa sa bago kong GF na itago natin sa pangalang Britney. Saktong nandoon naman si Papa sa bahay nakatambay. Day off niya. Si Mama naman ay nag-grocery. Nagmano si Britney kay Papa at sabi, “Hello po, Tito. Kumusta po?” Sumagot naman si Papa ng, “Okay naman, hija. Upo ka.”
Medyo maluwag ang sala namin at malalaki rin ang sofa. ’Yung puwedeng gawing kama na rin. Minsan, kapag nalalasing sa madaling araw, hindi na ako nakakaakyat para roon na matulog kaya hindi naman ako nahihiya na dalhin ang GF ko sa bahay. Sabi ko, “Feel at home ka lang babe.”
Ganoon nga ang ginawa ni GF. Nag-feel at home siya. Si Papa, tamang nood lang sa TV. Si Britney, nakinood na rin sa pinapanood ni Papa. Since napanood ko naman na ’yung movie na pinapanood ni Papa, scroll scroll lang ako sa FB. Naka-earphones at naka-max volume pa ako. Sa kalagitnaan ng pag-so-scroll ko, may nakita akong video na nakapukaw ng atensyon ko.
Sundan ang kuwento ni Iggy Boy rito sa Raqi’s SPG Secret Files.