Copyright © 2025 LOVE RADIO
Love Radio DJs, tinuruan ng ‘breather’ si John Estrada?!
Love Radio DJs, tinuruan ng ‘breather’ si John Estrada?!
Love Radio DJs, tinuruan ng ‘breather’ si John Estrada?!
July 17, 2024

Namimili pa tayo ng kakampihan kina Marites at Lena, eh, may nanalo na pala. Charot with harot! Lalong tumunog ang pangalan ni Rigor matapos kumalat ang video niya sa isang bar kung saan may kasama siyang babae.

Tinanggi ni John Estrada ang paratang na karelasyon niya ang nagngangalang Lily Hallman. Nakilala niya lang daw ito sa Boracay kung saan siya panandaliang nagbakasyon. Pansalamantala rin daw silang hiwalay ng asawa niyang si Priscilla Meirelles na itinanggi ng Brazilian model. Nakakalurkei, ’di ba?

advertisement

Iba-iba ng opinyon ang mga tao sa tungkol sa away-mag-asawang ito. Kung ang Love Radio DJs ba ang tatanungin, ano ang nagsisilbing ‘breather’ nila mula sa trabaho?

Angkol DAGOL: Mag-pray po sa church.

Conyo Bicolano: Hinga lang, ganyan. Inhale, exhale. Sariling sikap. Tapat lang sa aircon ng office tapos laban na ulit. Mahal kasi magpawala ng stress ngayon. Aside doon, bond with family lalo na sa mga pamangkin ko. Feeling ko kasi na-re-recharge ako ’pag may mga kasama akong bagets. Haha!

Robin Sienna: Breather ko po ang maglaba at magluto. Kapag may extra time, mag-swi-swimming. Oh, ’di ba ang daming puwedeng gawin kung gusto mong huminga? Excuses lang ng mga babaero na bored sila at walang magawa, pero ang totoo makiki-party lang kasama ang iba. MAMA NIYO! NEKNEK NIYO!

Chris Tsuper: Nature: Beach. Mountain. River. Farm.

Nicole Hyala: As an Ante, mga 2 hours and 3 days na hard massage para madurog lahat ng lamig sa katawan at para maka-breathe na ako normally. Hahaha!

Kanya-kanyang trip lang naman ang pagkakaroon ng ‘breather,’ pero para safe mula sa Marites sa susunod, sana makakuha si John Estrada ng ideya mula sa mga Kabisyo nating ito. Hihi! Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila