Copyright © 2025 LOVE RADIO
Nicole Hyala at Tanya Chinita, kilala ang SB19 kahit kuwarentahin na
Nicole Hyala at Tanya Chinita, kilala ang SB19 kahit kuwarentahin na
Nicole Hyala at Tanya Chinita, kilala ang SB19 kahit kuwarentahin na
June 11, 2024

Kung hindi mo kilala ang SB19, doon ka sa far away. Charot with harot! Eh, ’di, ipapakilala namin sa’yo. Ang SB19 ay isang Filipino boy band na binubuo nina Pablo (’yung maangas na pinuno), Stell (’yung funny and witty), Josh (’yung protective na big brother), Ken (’yung edgy, pero caring), at Justin (’yung sweet na bunso).

Sila lang naman ang tinaguriang P-Pop Kings na kilala sa mga kantang ‘Moonlight,’ ‘GENTO,’ ‘Mapa,’ at marami pang iba! Kung hindi pa dumaan ni isa ’yan sa FYP niyo, nasaang side ng Facebook at TikTok kayo? ’Chos!

Hindi naman sa pagyayabang, pero dalawa mula sa limang miyembro nila ang nakapunta na sa Love Radio. Waiting lang kami sa tatlo riyan. Beke nemen!

Pero bago ang lahat ng ’yan, paano nga ba nakilala ng paborito niyong mga Kabisyo ang SB19?

Tanya Chinita: Dahil sa kaldag nila sa TikTok. GENTO! GENTO!

Nicole Hyala: Dahil sa jingle na paulit-ulit na tinutugtog for Binibining Pilipinas.

Robin Sienna: Ahmmm, sa notebook! Notebook ng officemate ko mukha nila!

advertisement

Noong unang beses nilang mapakinggan at mapanood ang P-Pop Kings, napa-age doesn’t matter na lang talaga sila. EME! Kayo ba, Kabisyo, sinong bias niyo sa grupong ito? Kailangan pa bang i-memorize ’yan? Basic!

Other Trends
Now Playing!
90.7 Love Radio Manila